• ELAC Journal
  • Uncategorized
  • Ang Gubat sa Likod ng Bunga: Ano ang Ipinahihiwatig ng Masaganang Ani ng Ligaw na Prutas sa Palawan tungkol sa Kaunlaran

Ang Gubat sa Likod ng Bunga: Ano ang Ipinahihiwatig ng Masaganang Ani ng Ligaw na Prutas sa Palawan tungkol sa Kaunlaran

Habang patok ngayon ang mga ligaw na prutas ng Palawan, ang kanilang kasaganaan ay nagpapaalala rin kung ano ang nakataya sa mga kagubatan ng lalawigan sa harap ng pagmimina, lumalaking demand sa critical minerals, at mga bagong presyur ng kaunlaran.

May kakaibang nangyayari sa Palawan ngayong taon.

Matagal nang bahagi ng kagubatan at lokal na pagkain ang mga ligaw na prutas ng lalawigan. Ngunit ngayong season, tila mas marami sila—at mas kapansin-pansin.

Sa mga gilid ng kalsada, palengke, at maliliit na tindahan, kapansin-pansin ang dami ng badak. May mga pagkakataong tila kahit saan ka lumingon, may nagbebenta nito. Kasabay nito, mas marami ring larawan, reels, videos, at vlogs tungkol sa dugyan, tabo, paratungon, maraitum, palau, at iba pang prutas na matagal nang pamilyar sa mga pamayanang malapit sa kagubatan ngunit bago sa paningin ng maraming Pilipino.

Posibleng mas marami nga ang bunga ngayong taon.

Posible ring mas napapansin lang natin dahil sa social media.

Malaki ang naging papel ng mga vloggers, content creators, at television features sa pagpapakilala ng mga prutas na ito sa mas malawak na publiko. Ang mga prutas na dati ay karaniwang nakikita lamang sa ilang komunidad, bayan, o pamilihan sa Palawan ay biglang naging paksa ng curiosity: hinihiwa sa harap ng kamera, tinitikman, kinukunan ng litrato, at ibinabahagi online.

Ngunit maaaring may isa pang kuwento sa likod ng kasaganaan.

Kapansin-pansin din ang init at tuyo ng nakaraang summer. Sa ilang tropical fruit trees, ang maikling dry period ay maaaring magsilbing environmental cue para sa pamumulaklak at susunod na pamumunga. Gayunman, hindi pare-pareho ang tugon ng bawat species, at wala pa tayong sapat na lokal na datos para masabing ang matinding init o dry season ngayong taon ang direktang dahilan kung bakit tila napakarami ng badak at iba pang ligaw na prutas.

Kaya mahalaga ring itanong:

Talaga bang pambihira ang pamumunga ngayong taon—o ngayon lang natin ito sabay-sabay napansin?

At kung pambihira nga ang ani, ano ang sinasabi nito tungkol sa lagay ng kagubatan, klima, at mga punong pinagkukunan natin ng pagkain?

Higit sa lahat:

Ano ang mangyayari sa mga fruiting cycle na ito kapag nawala ang mismong kagubatan na sumusuporta sa kanila?

Pagkaing-gubat, kaalamang-gubat

Hindi bagong tuklas ang mga ligaw na prutas ng Palawan.

Bago pa man sila maging viral, matagal nang kilala ng mga Indigenous Peoples at forest-dependent communities kung saan sila tumutubo, kailan sila namumunga, paano sila kinakain, at ano ang halaga nila sa pagkain, kabuhayan, kultura, at pang-araw-araw na buhay.

May mga pag-aaral sa Palawan na nagdokumento kung paano naipasa ang lokal at Indigenous knowledge tungkol sa wild fruits at iba pang non-timber forest products—para sa pagkain, gamot, gamit sa tahanan, at kabuhayan.

Sa ilang lugar, nagsisilbi ring mahalagang alternatibong pagkain ang mga wild forest foods kapag kapos ang ibang mapagkukunan.

May mga naunang proyekto rin sa Palawan na nagdokumento at nagtaguyod ng mga indigenous fruit species gaya ng dugyan, badak, tabo, paratungon, palau, maraitum, kandis, at bignay, hindi lamang bilang pagkain kundi bilang bahagi ng biodiversity conservation, food security, at community livelihood.

Mahalaga ang kaalamang ito.

Para sa isang bagong manonood, maaaring kapansin-pansin lamang ang kulay, hugis, o lasa ng isang prutas.

Ngunit para sa isang komunidad na matagal nang nabubuhay kasama nito, ang prutas ay maaaring may kasamang kaalaman tungkol sa panahon, ulan, lokasyon, lupa, hayop, at kondisyon ng kagubatan.

Sa ganitong pananaw, ang wild fruit ay hindi lamang biological resource.

Bahagi rin ito ng isang sistema ng kaalaman.

Kayang magsalita ng isang bunga tungkol sa kalagayan ng gubat

Madalas nating inilalarawan ang kagubatan sa pamamagitan ng mga numero—ilang ektarya, gaano kakapal ang canopy, gaano karaming puno, gaano karaming carbon ang nakaimbak.

Ngunit ang gubat ay hindi lamang koleksiyon ng mga puno.

Isa itong network ng mga ugnayan.

Ang isang punong namumunga ay maaaring pinagkukunan ng pagkain ng tao, ibon, paniki, mammals, at insects. Ang mga hayop na iyon naman ay maaaring tumulong sa seed dispersal. Ang puno ay nakadepende rin sa lupa, moisture, shade, fungi, pollinators, at sa ibang halaman sa paligid nito.

Kaya ang pagkawala ng isang punong ligaw na prutas ay maaaring hindi lamang pagkawala ng isang puno.

Maaaring mawala rin ang isang food source, isang wildlife relationship, isang genetic resource, at isang piraso ng cultural knowledge.

May mga halaman ding maaaring mawala bago pa natin sila ganap na mapag-aralan.

At ito ang isang mahalagang tanong para sa Palawan:

Ilang species kaya ang maaaring mawala bago pa natin malaman kung gaano sila kahalaga?

Kapag nagtagpo ang pagdiriwang at pagkuha

Kapansin-pansin ang timing ng kasalukuyang interes sa wild fruits.

Habang humahanga ang publiko sa yaman ng kagubatan ng Palawan, patuloy din ang presyur mula sa pagmimina, tree-cutting permits, infrastructure projects, at lumalaking demand para sa critical minerals.

Isa sa mga pinagtatalunang usapin ay ang Special Tree Cutting and Earth-Balling Permits o STCEPs na may kaugnayan sa mining projects.

Sa ilalim ng DENR rules, maaaring payagan ang pagputol o earth-balling ng mga puno sa ilalim ng ilang kondisyon, kalakip ang mga permit, environmental clearances, at replacement planting requirements.

Para sa naturally growing trees, ginagamit ang replacement ratio na 100 seedlings sa bawat isang punong pinutol o inilipat.

Malaki ang numerong iyon sa papel.

Ngunit may isang mahalagang ecological question:

Kayang palitan agad ng 100 seedlings ang isang mature tree?

Hindi.

Ang isang malaking puno ay maaaring inabot ng ilang dekada para mabuo ang ugat, canopy, cavities, soil relationships, at ecological role nito.

Ang pagtatanim ng bagong seedlings ay mahalaga.

Ngunit hindi ito kapareho ng agarang pagbabalik ng nawalang ecological function.

At higit pa rito, ang gubat ay hindi basta kabuuan ng indibidwal na puno.

Hindi lang ito usapin ng bilang ng puno

Kapag pinag-uusapan ang STCEPs, madalas nauuwi ang debate sa numero.

Ilang puno ang puputulin?

Ilang puno ang ie-earth-ball?

Ilang seedlings ang ipapalit?

Mahalaga ang mga numerong iyon.

Pero may mas mahihirap na tanong:

Anong species ang mawawala?

May mga fruit-bearing trees ba?

May endemic o threatened species ba?

May cultural significance ba ang mga punong iyon?

May mga hayop bang nakadepende sa kanila?

Ano ang epekto sa watershed?

Ano ang mangyayari downstream?

At ano ang mangyayari sa kaalamang nakatali sa isang species kapag hindi na ito maabot o matagpuan ng komunidad?

Dito nagiging makabuluhan ang kasalukuyang pagkaengganyo sa wild fruits.

Mas madaling maunawaan ang pagkawala kapag may nakikita tayong kongkretong halimbawa.

Kapag sinabi nating mawawala ang isang uri ng prutas na dati'y sagana, mas madaling makita na ang forest loss ay hindi lamang abstract ecological decline.

Maaari itong maging pagkawala ng pagkain, alaala, kultura, at posibilidad.

Ang presyur ng energy transition

Mas nagiging komplikado ang usapin kapag iniuugnay ang pagmimina sa energy transition.

Mahalagang industrial mineral ang nickel. Ginagamit ito sa stainless steel at sa ilang uri ng baterya. Habang lumilipat ang mga bansa sa cleaner energy systems at electrification, nananatiling mahalaga ang ilang minerals sa global supply chains.

Kasabay nito, pinalalakas ng pamahalaan ng Pilipinas ang polisiya para sa critical minerals, local processing, at downstream industries.

Ito ang mas malaking konteksto kung saan pumapasok ang Palawan.

Ang lalawigan ay parehong biodiversity-rich landscape at pinagkukunan ng nickel.

Dito lumilitaw ang isang mahirap na tanong:

Paano uunlad ang Palawan nang hindi winawasak ang mismong ecological systems na sumusuporta sa mga tao rito?

Hindi sapat na sabihin na kailangan natin ng minerals para sa green transition.

Kailangan ding itanong:

Saan dapat magmina—at saan hindi dapat?

Pax Silica at ang bagong wika ng kaunlaran

Ang parehong tensiyon ay makikita rin sa mga diskusyon tungkol sa Pax Silica—isang strategic initiative na inuugnay sa critical minerals, semiconductors, artificial intelligence, digital infrastructure, at advanced manufacturing.

Para sa mga tagasuporta nito, may malinaw na oportunidad:

Mas mataas na value-added processing.

Mas maraming investments.

Mas maraming trabaho.

Mas malaking bahagi ng Pilipinas sa global technology supply chains.

Makatwiran ang mga layuning iyon.

Ngunit may upstream consequences ang anumang industrial strategy.

Kung dadami ang processing, batteries, digital infrastructure, at high-tech manufacturing, hindi nawawala ang pangangailangan sa raw materials.

Lumilipat lamang ang pressure sa mas naunang bahagi ng supply chain.

At sa isang lugar tulad ng Palawan, mahalagang itanong kung sino at ano ang sasalo sa ecological cost.

Hindi ibig sabihin nito na ang Pax Silica mismo ay direktang nag-uutos ng bagong pagmimina sa Palawan.

Ngunit ipinapakita nito kung bakit patuloy na magiging mataas ang strategic value ng minerals tulad ng nickel.

At kapag tumataas ang economic pressure, mas lalong dapat tumibay ang environmental safeguards.

Maaaring “green” ang produkto, pero hindi ang pinanggalingan

Isa ito sa pinakamahirap na katotohanan ng energy transition.

Maaaring gamitin ang nickel sa battery technology.

Maaaring gamitin ang minerals sa renewable energy systems.

Ngunit kung ang extraction ay nagdudulot ng forest loss, watershed damage, sedimentation, o pagkawala ng ancestral landscapes, hindi awtomatikong “green” ang buong supply chain.

Maaaring low-carbon sa isang dulo.

Ngunit destructive sa kabila.

Hindi ang tanong kung dapat bang mangyari ang energy transition.

Kailangan itong mangyari.

Ang tanong ay kung uulitin ba nito ang lumang extractive model na matagal nang nagtuturing sa kagubatan at mga komunidad bilang katanggap-tanggap na sacrifice zones.

Kapag bagong salita ang ginamit sa lumang development model

Noon, ang pagmimina ay karaniwang ipinagtatanggol gamit ang mga pangakong trabaho, exports, investments, at economic growth.

Ngayon, maaaring idagdag pa ang mga salitang:

critical minerals, green technology, energy security, artificial intelligence, strategic supply chains, at industrial competitiveness.

Hindi mali ang mga layuning ito.

Ngunit delikado kapag ang bagong bokabularyo ay ginagamit para bigyang-katwiran ang dati nang development model:

putulin ang gubat, kunin ang mineral, mangakong magre-rehabilitate, at sabihing kailangan ang sakripisyo para sa pambansang kaunlaran.

Ito mismo ang modelong dapat suriin nang mabuti sa Palawan.

Magkano ba ang halaga ng badak?

Isipin natin ang badak.

Kung ibinebenta ito sa palengke, may presyo ito.

Pero maliit na bahagi lamang iyon ng tunay nitong halaga.

Paano naman ang genetic diversity nito?

Ang papel nito sa forest ecology?

Ang mga hayop na kumakain dito?

Ang local knowledge kung kailan ito namumunga?

Ang posibilidad na maging mahalagang crop sa hinaharap?

Ang habitat na sumusuporta rito?

Ang pagkain at kita na naibibigay nito sa mga pamilya?

Mahusay ang conventional development accounting sa pagkuwenta ng halaga ng mineral na huhukayin.

Mas mahina ito sa pagkuwenta ng halaga ng mawawala.

May market price ang nickel.

Maaaring wala ang isang wild fruit.

Hindi ibig sabihin nito na walang halaga ang wild fruit.

Maaaring ang ibig sabihin lamang ay kulang ang paraan natin ng pagbilang ng halaga.

May ibang landas ng kaunlaran

Ang pagprotekta sa wild fruits ay hindi nangangahulugang kailangang manatili ang Palawan na parang museum.

Kailangan ng trabaho ang mga tao.

Kailangan ng kabataan ng oportunidad.

Kailangan ng Palawan ng maaasahang kuryente, health care, education, communications, transportation, at dignified livelihoods.

Matagal nang nag-aadapt, nagtatanim, nakikipagkalakalan, at nag-iinnovate ang Indigenous at rural communities.

Ang tunay na tanong ay:

Kayang palakasin ng development ang ecological systems sa halip na ubusin ang mga ito?

May ibang posibilidad.

Ang indigenous at wild fruits ay maaaring suportahan ang:

community enterprises,

local food processing,

agroforestry,

nurseries,

seed conservation,

ecotourism,

scientific research,

at value-added local products.

May mga naunang proyekto sa Palawan na nagpakitang maaaring pag-ugnayin ang indigenous food plants, watershed protection, ancestral-domain planning, at livelihood development.

Maaaring hindi kasing laki ang puhunan ng pagmimina.

Ngunit ibang klase ng development logic ito.

Nagsisimula ito sa tanong:

Ano ang maaari nating palaguin mula sa kung ano ang buhay na—sa halip na ano ang maaari nating kunin mula sa lupa?

Bago ang susunod na STCEP

Marahil may praktikal ding aral ang kasalukuyang interes sa wild fruits.

Bago mag-isyu ng panibagong STCEP, sapat na ba ang tree inventory?

O dapat ding itanong:

Alin sa mga punong maaapektuhan ang fruit-bearing?

Alin ang ginagamit ng wildlife?

Alin ang culturally important?

Alin ang endemic o threatened?

May Indigenous knowledge bang nakatali sa kanila?

Ano ang kondisyon ng surrounding forest?

Puwede bang baguhin ang project footprint para maiwasan sila?

Mabubuhay ba talaga ang mga punong ie-earth-ball?

Saan itatanim ang replacements?

Sino ang magmo-monitor pagkatapos ng lima, sampu, o dalawampung taon?

At ang pinakamahalaga:

Ito ba ay lugar na dapat pagmiminahan sa simula pa lamang?

Hindi anti-development ang mga tanong na ito.

Mga tanong ito tungkol sa responsableng development.

Ang itinuturo sa atin ng mga Prutas

Masayang makita ang kasaganaan ng wild fruits ngayong taon.

Para sa maraming Palaweno, maaaring maalala ang 2026 bilang isang season kung kailan tila napakaraming badak sa mga kalsada at pamilihan—mga basket na punô, mga litrato sa social media, at mga prutas na biglang naging usap-usapan sa buong bansa.

Ngunit magandang alalahanin na sa likod ng bawat badak na ibinebenta ay may punong kailangang mabuhay nang sapat na tagal para mamunga.

May lupa.

May ulan.

May dry season.

May pollinators.

May wildlife.

May surrounding vegetation.

May komunidad na marunong kung kailan ito hahanapin.

At may landscape na kailangang manatiling buhay.

Kung mawawala ang mga punong iyon, mabilis na maaaring maging alaala ang kasaganaan.

Kaya habang tinatangkilik natin ang dugyan, badak, tabo, paratungon, maraitum, palau, at iba pang prutas ng Palawan, marahil ang pinakamahalagang tanong ay hindi lamang:

Ano ang lasa nito?

Kundi:

Ano ang kailangan nating protektahan para patuloy pa itong mamunga?

Dahil ang wild fruits ay hindi hiwalay sa usapin ng development.

Bahagi sila nito.

Patunay sila ng kung ano pa ang buhay sa ating kagubatan.

At paalala sila na ang kaunlaran ay hindi lamang tungkol sa kung ano ang maaari nating kunin mula sa Palawan.

Tungkol din ito sa kung ano ang pipiliin nating panatilihing buhay.


The Environmental Legal Assistance Center (ELAC) empowers communities to defend Palawan’s forests, coasts, and ancestral domains. Since 1990, its lawyers and advocates have blended legal aid, education, and policy work—training paralegals and wardens, filing strategic cases against destructive projects, and pressing for stronger environmental laws. Undeterred by political or corporate pressure, ELAC pursues climate justice and biodiversity conservation while rallying local and global allies to the cause.

ELAC

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked

{"email":"Email address invalid","url":"Website address invalid","required":"Required field missing"}
Subscribe to get the latest updates
>