Nasasakal na ang mga Kagubatan at Kritikal at Protektadong Lugar ng Palawan: Ipatupad ang Batas Habang May Panahon Pa
Habang pinapahintulutan ng mga permit at proyekto ang pagsira sa kagubatan, unti-unting nawawala ang tunay na diwa ng “proteksyon” sa mga Protektadong Lugar ng Palawan.
Mula sa Environmental Legal Assistance Center (ELAC)
Opinyon | Nobyembre 2025
Matagal nang tinatawag ang Palawan bilang Last Frontier ng Pilipinas. Ngunit sa gitna ng mga kabundukang dating luntian at buhay, unti-unti na ring nauulit ang parehong kuwento ng pagkasira — pagmimina, ilegal na pagtotroso, at mahina o selective na pagpapatupad ng batas pangkalikasan.
Mount Mantalingahan, Victoria-Anepahan, at Mt. Bulanjao: Kritikal ngunit Nanganganib
Tatlo sa pinakamahalagang kabundukan sa Palawan — ang Mount Mantalingahan Protected Landscape (MMPL), at Mt. Bulanjao sa timog, at ang Victoria-Anepahan Mountain Range (VAMR) sa gitna ng lalawigan — ay nasa ilalim ngayon ng matinding banta.

Mt. Matalingahan sa bahagi ng Rizal, Palawan

Mt. Matalingahan sa bahagi ng Brooke's Point, Palawan - Ipian Nickel Mines Corp.
Baha sa Brooke's Point noong 2023 at 2025
Mt. Matalingahan
Ang MMPL, na sumasaklaw ng 120,457 ektarya sa limang munisipalidad (Brooke’s Point, Quezon, Bataraza, Sofronio Española, at Rizal), ay isang Opisyal na Protektadong Lugar sa ilalim ng Expanded National Integrated Protected Areas System (ENIPAS) Act o Republic Act (RA) 11038 sa bisa ng Proklamasyon Bilang 1815 (2009). Kinikilala rin ito bilang bahagi ng Palawan Biosphere Reserve ng UNESCO at bilang isang Key Biodiversity Area (KBA) na tahanan ng mga hayop at halaman na makikita lang sa Palawan. Ito ang pangunahing pinagkukunan ng tubig ng libo-libong mamamayan at tahanan ng mga hayop at halaman na sa Palawan lamang matatagpuan.
Ngunit sa kabila ng malinaw na proteksiyon nito, patuloy ang pagpasok ng mga interes sa pagmimina at mga malawakang plantasyon sa loob at paligid ng mga buffer zone ng MMPL. Ang ECAN zoning na nakasaad sa Strategic Environmental Plan for Palawan (RA 7611) ay malinaw: ang mga core at restricted zones ay hindi pwedeng pasukin ng anumang mapanirang gawain. Gayunman, patuloy ang pagbibigay ng mga permit para magputol ng libo-libong punong kahoy sa mga kagubatan nito kauganay ng mga gawaing pagmimina at iba pang aktibidad na lumalabag sa batas — palatandaan ng agwat sa pagitan ng polisiya at aktwal na pagpapatupad.
Victoria Anepaha Mountain Range (VAMR)
Samantala, ang VAMR na may lawak na 164, 789 ektarya — na sumasaklaw sa bahagi ng Puerto Princesa, Aborlan, Quezon, at Narra — ay KBA na kritikal sa suplay ng tubig at seguridad sa pagkain ng Palawan bagamat wala pang legal na status bilang Protected Area. Sa kasamaang palad, tuloy-tuloy ang ilegal na pagtotroso, pagmimina, pagsasagawa ng daan sa kagubatan, at pagbago ng kagubatan para sa iba’t ibang proyekto. Ang pagkawala ng kagubatan sa mga kabundukang ito ay hindi lamang pagkawala ng samu’t saring buhay o biodiversity. Ito ay direktang panganib sa mga pamayanang nasa daloy ng tubig — sa panahon ng pagbaha at pagguho ng lupa o landslide. Ang mga epekto ay ramdam na mula pa noong 2023, nang bahain ang Brooke’s Point, Narra, Aborlan, at Puerto Princesa City — at ngayong taon, muling nagbabadya ng panganib ang pagdaan ng Bagyong Tino.

Citinickel Mines in Brgy. Bato-bato, Narra, Palawan - parte ng VAMR

VAMR
Baha sa Narra, Palawan - Photos snipped from Net25 News: Agila Probinsya (watch here)
Mt. Bulanjao
Sa Bataraza, malinaw ang kaso ng Mt. Bulanjao: kinilala sa mga pag-aaral ng CCI, CI, at PCSD ang mataas na halagang pang-konserbasyon (High conservation Value Area - HCVA) ng kanlurang Bulanjao—tirahan ng mga endemic at nanganganib na species—samantalang tinukoy mismo ng PCSD na ang proyekto sa Bulanjao ay nasa loob ng Restricted Use Zone ng ECAN. Gayunman, nanatili itong hindi pormal na naideklarang Critical Habitat, at paulit-ulit pang sinubukang buksan sa pagmimina sa pamamagitan ng rezoning at iba pang “exception.” Ito ang eksaktong uri ng puwang sa pamamahala na sinasakal ang ating protektadong pook: may siyentipikong batayan at legal na zonang nagbabantay, ngunit nasasantabi sa tuwing inuuna ang extractive na interes. Sa ganitong konteksto, makabuluhan at kinakailangan ang moratorium sa pagmimina—upang ang mga bundok tulad ng Bulanjao ay tunay na manatiling pananggalang laban sa baha at pagguho, sa halip na maging pinagmumulan ng panganib sa ibaba.

Mt. Bulanjao

RTN mines' expansion sa Mt. Bulanjao
Kapag Mahina ang Pamamahala at Pagpapatupad ng Batas, Mamamayan ang Nagsasakripisyo
Malinaw ang batas.
- Ipinagbabawal ng ENIPAS Act ang anumang mapanirang aktibidad sa loob ng old-growth forests at Protected Areas.
- Inaatasan ng SEP Law ang PCSD na magpatupad ng ECAN zoning upang protektahan ang mga core at restricted zones.
- Ayon sa Local Government Code, dapat maisama ang mga sonang ito sa land-use plans ng bawat lokal na pamahalaan.
Ang tanong: bakit patuloy ang paglabag?
Sa maraming bayan sa Palawan, patuloy ang ulat ng ilegal na pagtotroso, quarrying, at mga proyekto sa loob ng mga ECAN-protected areas. Madalas ay natatabunan ito ng mga pangakong “kaunlaran,” ngunit sa totoo lang, ito ang unti-unting nag-aalis ng ating likas na depensa laban sa sakuna.
Ang Halaga ng Aksyon Bago ang Sakuna
Ang pagpapatuloy ng pagmimina, pagputol ng kagubatan, at konstruksyon sa mga sensitibong lugar ay may mabigat na kabayaran:
Panganib sa tubig at pagkain: Nagdudulot ng siltation at pagbabara ng irigasyon at ilog.
Panganib sa sakuna: Nagpapalala ng pagbaha at pagguho ng lupa, gaya ng nangyari sa Cebu.
Pagkawala ng biodiversity: Ang mga hayop at halaman na matatagpuan lamang sa Palawan ay mawawala kapag tuluyang nawasak ang kanilang tirahan.
Ang mga watershed ay hindi naibabalik kaagad. Kapag naubos ang kagubatan, dekada ang kailangan para maibalik ang balanse ng lupa at tubig. Kaya’t mas makatarungan ang pagpigil sa pinsala kaysa pag-ahon sa trahedya.
Panawagan ng Pananagutan at Aksyon
Nanawagan ang ELAC sa DENR, Palawan Council for Sustainable Development (PCSD), at mga lokal na pamahalaan ng Palawan na:
- Ipatupad nang mahigpit ang ECAN zoning at mga probisyon ng SEP Law sa MMPL, VAMR, at iba pang kritikal na lugar.
- Itigil o tanggihan ang lahat ng aplikasyon sa pagmimina at quarrying na sumasakop sa mga natural na kagubatan, Protected Area, KBA, o watershed.
Ipatupad ang 50-Taong Mining Moratorium sa Palawan.
- Gawing bukas at malinaw ang lahat ng datos at operasyon na may kaugnayan sa paggamit ng likas na yaman.
Hindi pwedeng ipagmalaki ng Palawan ang titulong Last Frontier habang unti-unting nauubos ang mismong kagubatan at watershed na nagbibigay-buhay dito.
Republic of the Philippines
Congress of the Philippines
Metro Manila
Republic Act No. 7942 Philippines
Mining Act of 1995.
An Act instituting a new system of mineral resources exploration,
development, utilization and conservation
CHAPTER III
SCOPE OF APPLICATION
Section 15. Scope of Application. - This Act shall govern the exploration, development, utilization and processing of all mineral resources.
Section 16. Opening of Ancestral Lands for Mining Operations. - No ancestral land shall be opened for mining operations without the prior consent of the indigenous cultural community concerned.
Section 17. Royalty Payments for Indigenous Cultural Communities. - In the event of an agreement with an indigenous cultural community pursuant to the preceding section, the royalty payment, upon utilization of the minerals shall be agreed upon by the parties. The said royalty shall form part of a trust fund for the socioeconomic well-being of the indigenous cultural community.
Section 18. Areas Open to Mining Operations. - Subject to any existing rights or reservations and prior agreements of all parties, all mineral resources in public or private lands, including timber or forestlands as defined in existing laws, shall be open to mineral agreements or financial or technical assistance agreement applications. Any conflict that may arise under this provision shall be heard and resolved by the panel of arbitrators.
Section 19. Areas Closed to Mining Applications. - Mineral agreement or financial or technical assistance agreement applications shall not be allowed:
a. In military and other government reservations, except upon prior written clearance by the government agency concerned;
b. Near or under public or private buildings, cemeteries, archeological and historic sites, bridges, highways, waterways, railroads, reservoirs, dams or other infrastructure projects, public or private works including plantations or valuable crops, except upon written consent of the government agency or private entity concerned;
c. In areas covered by valid and existing mining rights;
d. In areas expressly prohibited by law;
e. In areas covered by small-scale miners as defined by law unless with prior consent of the small-scale miners, in which case a royalty payment upon the utilization of minerals shall be agreed upon by the parties, said royalty forming a trust fund for the socioeconomic development of the community concerned; and
f. Old growth or virgin forests, proclaimed watershed forest reserves, wilderness area, mangrove forests, mossy forests, national parks, provincial/municipal forests, parks, greenbelts, game refuge and bird sanctuaries as defined by law and in areas expressly prohibited under the National Integrated Protected Area System (NIPAS) under Republic Act No. 7586, Department Administrative Order No. 25, series of 1992 and other laws.

